Wala lang. Natuwa lang talaga ako. Ngayon lang ako naka-feel ng goosebumps sa panonood ng isang cheerdance competition (at in fairness, sa TV lang ako nanood). Sobrang laki ng respeto ko sa Pep Squad, aaargh!! Hindi ko alam kung paano ko iqu-qualify ang katuwaan ko after i-announce ang UP as winner.
Natuwa ako dahil pinakita ng UP Pep Squad na maraming mukha ang mga bagay. Ang cheerdancing ay hindi nakakahon lamang sa traditional na cheerdancing: mga nakataling mahahabang buhok, mga makukulay at makikintab na costumes, mga pompoms at iba pa.Hindi lang sila sumasayaw, hindi lang nila pinapakita na kaya nilang tumambling o maitapon sa ere na parang hindi nasasaktan. Pinakita nilang ang cheerdancing ay isang uri ng art: isang bagay na PINAG-IISIPAN. UP Pep didn't just cheer ... they told a story.

Photo Courtesy: Teresa Barrozo
Postmodern ang routine na ito ng UP Pep. Kung hindi naisip ng iba na pwedeng iincorporate ang ethnic/tribal theme sa cheerdancing, naipakita nilang pwede, at hindi sila titigil, hindi mapapagod upang pakitaan tayo ng bago. At isinasakatawan ng Pep ang sangka-UPian bilang mga matatapang at matatalinong tao: It takes one to be courageous enough to break a tradition. At ito ang pinakita ng UP Pep. At tulad ng iba ... proud ako bilang isang Maroon
.
Ito pala ang scores:
UP 93.30
UST 85.27
FEU 83.96
ADMU 83.81
AdU 81.04
UE 72.89
DLSU 70.07
NU 68.3
CONGRATULATIONS ULIT!
sa mga hindi nakapanood ito ang video, courtesy of you tube.




1 Comments:
is it postmodern? :)
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home